Coritha is one of my favorite pinoy folk singers. I memorized the lyrics and chords of a few of her songs when I was still learning to play the guitar. The chords are amazingly simple and the lyrics deep. Lolo Jose is one of those Coritha's compositions that I still like.
~
Lolo Jose
Noong panahong siya ay hari
Masigla ang kanyang pagbati
Mahigpit ang hawak ng mga daliri
At and lakad nama'y matuwid
Mahusay ang kanyang talumpati
Makisig kung siya ay magdamit
Malalim ang kanyang pagiisip
At lahat ay sa kanya nakatitig
Ngunit ngayong siya'y pagod na
Mahina na rin ang katawan
Pinagmamasdan na lamang sa bintana
Ang unti-unting pagdaloy ng ulan
At ang unang tanong sa umaga
Kung ano ang kanyang nagawa
Sa paglipas ng siyamnapung taon
Nang siya'y malakas at bata pa
Si lolo jose, si lolo jose
Si lolo jose ay matanda na
Ngunit mahal ko pa si lolo jose
Kahit siya ngayon ay laos na
Sa piling ng mga ala-ala
Lagi na lamang nag-iisa
Kahit sulyap walang maaasahan
Sa anak na di man siya mapagbigyan
At ang unang tanong sa umaga
Kung mayro'n pa siyang magigisnan
Na liwanag sa nalalabing buhay
Ngayong siya'y matanda at laos na
Si lolo jose, si lolo jose
Si lolo jose ay matanda na
Ngunit mahal ko pa si lolo jose
Kahit siya ngayon ay laos na
Sa dilim ng kanyang pag-aasam
Maghapon na lang nakabantay
Kung kanyang matatanaw pa ang hiwaga
Ng hindi malimot niyang nakaraan
At ang diwa ng kahapon
Di na matagpuan
At ang sinag ng umaga
Dinaanan ng ulan
At hirap ng nasa puso
Di mapapantayan
Kung maari lang
maari lang
Pawiin ang dusa
Si lolo jose, si lolo jose
Si lolo jose ay matanda na
Ngunit mahal ko pa si lolo jose
Kahit siya ngayon ay laos na